Kapwa itinanggi ng kampo nila dating Budget Secretary Butch Abad at bayaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino na si Eldon Cruz ang umano’y pagkakasangkot nila sa mahigit 8 bilyong pisong right of way scam.
Giit ng anak ni Eldon Cruz na si Jiggy, malinaw na pineke umano ang pirma ng kaniyang ama sa dokumentong inilabas ng Department of Justice o DOJ na nagdadawit sa naturang anomalya.
Kasunod nito tinawag din ng nakababatang Cruz na kalokohan at walang katotohanan ang mga ibinabatong paratang sa kaniyang ama dahil hindi kailanman ito pumasok sa anumang transaksyon sa gobyerno.
Sa panig naman ni Abad, iginiit nitong hindi sila naging bahagi ng anumang transaksyon at tanging ang Department of Public Works and Highways o DPWH lamang aniya ang maaaring makasagot sa usapin.
—-