Ini-imbistigahan na ng Philippine National Police ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa di umanoy pagdukot sa dating ministro ng Iglesia ni Cristo at asawa nito.
Ayon kay Chief Supt Wilben Mayor, Spokesman ng PNP, ipinag utos na ni PNP Chief director General Ricardo Marquez ang pakikipag ugnayan sa mga nagrereklamo laban sa mga tauhan ng PNP.
Pinakilos na rin anya ni Marquez ang PNP-CIDG upang imbestigahan ang isang video na konektado sa pagkakasangkot ng mga pulis sa kidnapping.
Sinabi ni Mayor na mahigpit ang tagubilin ni Marquez na hindi dapat mabigyan ng puwang sa PNP ang mga tiwali at sangkot sa krimen.
“Ang mga pulis na nagva-violate ng rules o batas ay walang puwang sa aming organisasyon. Kung mapatunayan sila na involve sa crime at sa ganitong bawal na gawain ay dapat silang matanggal sa serbisyo, kasuhan muna at execute natin ang due process,” paliwanag ni Mayor.
By: Len Aguirre | Jonathan Andal