Hihilingin ng Bureau of Immigration sa PDEA na alamin ang pagkakasangkot ng isang South Korean national sa illegal drug trade sa bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente batay sa intelligence report ng fugitive search unit nila na nagbebenta ng illegal drugs si Noh Jun Ho sa mga kapwa Koreano sa Pilipinas bago ito maaresto sa Pampanga nuong Martes.
Ipinabatid din ni Morente ang kasong isinampa laban kay Noh sa Angeles City RTC kaugnay sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dahil dito sinabi ni Morento na hihilingin nila sa PDEA na pansamantalang i custody si Noh para maimbestigahan ito at kasuhan kung kinakailangan.