Pinagtibay ng House Committee on Justice ang pagkakasangkot ni Senador Leila de Lima sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Oriental Mindoro Congressman Reynaldo Umali, malinaw sa mga nakalap nilang testimonya na lalong lumaganap ang illegal drug trade sa panahon ni De Lima bilang Justice Secretary.
Bahagi ng pahayag ni Congressman Reynaldo Umali
Kumbinsido si Umali na maituturing na shining moment ng Kongreso ang isinagawa nilang imbestigasyon.
Target ng komite na maaprubahan agad sa plenaryo ang kanilang committee report bago mag-break ang Kongreso.
Bahagi ng pahayag ni Congressman Reynaldo Umali
Case vs. De Lima
Samantala, maaaring mabasura lamang ang kasong isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at ng mga dating opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Senator Leila de Lima.
Ayon sa ilang legal luminaries na nakausap ng DWIZ patrol, ito ay dahil maituturing na “hearsay” lamang ang kanilang mga ipiniresentang ebidensya.
Ipinaliwanag ng source ng DWIZ na ito ay dahil ibinatay lang ng mga grupo ang kaso sa mga testimonya ng inmates na humarap sa pagdinig ng Kamara sa umano’y drug trade at wala silang direktang kinalaman dito.
By Len Aguirre | Karambola | Katrina Valle | Bert Mozo (Patrol 3)