Itinanggi ni Ricardo Zulueta, Dating Deputy Director for Security and Operations ng Bureau of Corrections (BuCor) na isa umano siya sa mastermind sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.
Ayon kay Zulueta, walang katotohanan ang mga akusasyong ibinabato sa kaniya dahil napagbintangan lamang siya sa kaso.
Hindi rin umano totoo na nagpatawag siya ng pulong para pagplanuhan ang pagpatay, dahil para sa construction materials ang kanilang napag-usapan.
Noong November 7 nang maghain ng kasong murder ang National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), at Department of Justice laban kay Zulueta at sa dating BuCor Director General Gerald Bantag.