Naipaalam na ng mas maaga sa dating Pangulong Gloria Arroyo ang pagkakasibak nito bilang House Deputy Speaker for Central Luzon.
Ayon ito kay House Majority Floorleader Rodolfo Fariñas dahil siya pa mismo ang nagtungo sa opisina ni arroyo para ipabatid dito ang desisyon ni house speaker pantaleon alvarez na alisin ito at iba pang kongresista matapos bumoto kontra death penalty bill.
Inamin ni Fariñas na masakit sa kaniyang mismong magsabi sa dating Pangulo na aniya’y ninang pa ng yumaong anak niya.
Magugunitang kagabi o isang araw bago ang recess ng kongreso ay mismong si Fariñas ang nagdeklarang bakante ang puwesto ng dating Pangulo at labing isa pang committee chairmanships.
By Judith Larino