Tiniyak ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na dumaan sa due process ang pagsibak sa tungkulin kina Police Chief Supt. Edgardo Tinio at Police Director Joel Pagdilao.
Ayon kay Dela Rosa nagsagawa ng masusing paglilitis ang National Police Commission o NAPOLCOM bago irekomenda sa Malacañang ang pagsibak sa dalawa na naging dahilan ng pag-abot ng mahigit isang taon bago lumabas ang desisyon.
Maging kay Pangulong Rodrigo Duterte aniya ay dumaan din ito sa masusing pagaaral bago nilagdaan ang naturang rekomendasyon.
Paglilinaw naman ni Dela Rosa hindi makukulong ang dalawang opisyal dahil sa kasong administratibo at hindi kasong kriminal ang isinampa laban sa kanila.