Uubra subalit mahirap mapatunayan.
Binigyang diin ito ni Atty. Domingo Cayosa, pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) matapos magbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte na kakasuhan ng murder o homicide ang sinumang COVID-19 positive na manghahawa ng nasabing virus.
Sinabi sa DWIZ ni Cayosa na pawang mabibigat na kaso ang murder at homicide na maraming elemento at kailangang mapatunayan bago kasuhan ng murder o homicide ang isang COVID-19 positive patient o may intensyong talagang makahawa at makapatay.