Dapat magsilbing inspirasyon ng Pilipinas ang makasaysayang pagkakasundo ng mga bansang North at South Korea para sa kapayapaan.
Ito’y ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III matapos tuldukan na ng dalawang Korea ang kanilang deka-dekadang hidwaan nito lamang Biyernes.
Ayon kay Pimentel, bagama’t nananatili aniya ang state of war sa pagitan ng dalawang bansa, nagawa pa rin nitong mag-usap ng tungkol sa kapayapaan.
Ganito dapat aniya ang ginagawang hakbang ng Pilipinas upang maisaayos naman nito ang gusot sa bansang Kuwait.
Para naman kay Senadora Nancy Binay, dapat aniyang kastiguhin ng Department of Foreign Affairs gayundin ng Labor department ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng video ng pagsagip sa mga distressed OFW sa Kuwait.
Ito aniya kasi ang dahilan kung bakit minasama ng Kuwaiti government ang tila pambabastos sa kanilang bansa ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa kanila mismong lugar.
(Usapang Senado Interview)