Pinaiimbestigahan ni Immigration Commissioner Sigfreid Mison ang pagkakatakas ng Koreano na si Cho Seong Dae, mula sa immigration detention facility.
Ayon kay Immigration Spokesperson Atty. Aileen Tan, kabilang sa pagpapaliwanagin ang mga tauhan ng detention facility, upang malaman kung papaano nakatakas ang Koreano, matapos ang roll call.
Si Cho ay nahaharap sa kasong extortion sa South Korea, at pagnanakaw, dito sa Pilipinas.
By: Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)