Nababahala ang Kabataan Party-list Group na hindi na matatapos ang napakaraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao.
Ito sang reaksyon ng grupo sa pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay National Capital Region POlice Office o NCRPO Chief Director Oscar Albayalde bilang susunod na hepe ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay Kabataan Partylist Representative Sarah Elago, mas malala ang magiging sitwasyon ng human rights sa bansa sa ilalim ng pamumuno ni Albayalde.
Binigyang diin ni Elago na National Capital Region o NCR na siyang pinamumunuan ni Albayalde ang may pinakamataas na insidente ng mga paglabag sa karapatang pantao batay sa kanilang datos.
Kabilang na aniya rito ang libu-libong napapatay na mga kabataan at mahihirap dahil sa iligal na droga, marahas na pagtataboy sa mga lumad gayundin ang hindi maka-taong pagtataboy sa mga tsuper ng jeepney at ang madugong insidente sa Mandaluyong City na kinasasangkutan ng mga pulis.
—-