Idinipensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakatalaga kay dating Manila City jail warden Gerald Bantag bilang bagong hepe ng BuCor o Bureau of Corrections.
Ayon kay Pangulong Duterte, alinsunod sa prinsipyong “presumption of innocence”, kanya munang binigyan ng bagong trabaho si Bantag dahil hindi pa naman aniya ito nahahatulan sa kinahaharap na kaso.
Dagdag ng pangulo, hindi rin siya naniniwalang nagawa ni bantag ang pagpapasabog sa Parañaque City Jail na ikinasawi naman ng sampung inmates.
I think the case is in Court. He (Bantag) is facing homicide charges. I don’t think that he did it (homicide charges). In the meantime, gusto ko sya kasi nagtatapon ng granada,” — Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang si Bantag ay nahaharap sa sampung bilang ng murder dahil sa insidente.