Tinawag na immediate reaction ni Professor Epimaco Densing ng Ateneo de Manila Graduate School of Business ang pagbagsak ng mining stocks.
Kasunod na rin ito ng anunsyo hinggil sa pagtalaga kay Gina Lopez bilang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary.
Ayon kay Densing, personality based ang nangyaring pagbagsak ng mining stocks dahil malinaw ang advocacy ni Lopez na kontra sa pagmimina.
Bahagi ng pahayag ni Professor Epi Densing
Mining policies
Magpalabas ng mga polisiya hinggil sa isyu ng pagmimina.
Ito ayon kay Professor Epimaco Densing ng Ateneo de Manila Graduate School of Business ang pinakamahalagang gawin ni bagong talagang DENR Secretary Gina Lopez.
Sinabi sa DWIZ ni Densing na nakadepende sa magiging lagay ng mining sector sa mga susunod na taon ang anumang policy pronouncement ng incoming DENR Secretary.
Bahagi ng pahayag ni Professor Epi Densing
By Judith Larino | Karambola