Tuluyan nang ibinasura ng CA o Commission on Appointments ang pagkakatalaga kay Judy Taguiwalo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang rejection kay Taguiwalo ay inilabas ng CA matapos ang kanilang isinagawang close door executive session.
Si Taguiwalo ay ikatlo nang gabinete ni Pangulong Rodirgo Duterte na ni-reject ng CA kasunod nina Perfecto Yasay bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Gina Lopez sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Kabilang naman sa mga senador na bumoto para sa kumpirmasyon ni Taguiwalo ay sina Senador Ralph Recto, Loren Legarda, Kiko Pangilinan, Migz Zubiri at Sonny Angara.
Matatandaang dalawang beses na na-by pass ng CA ang isinagawang pagdinig sa appointment ng dating kalihim.
Taguiwalo tuloy parin ang pagtulong sa publiko
Magpapatuloy pa rin si dating Social and Welfare Development Secretary Judy Taguiwalo sa kanyang adbokasiya na tumulong at maglingkod sa taumbayan.
Ito ang ipinangako ni Taguiwalo matapos na mabigong makumpirma bilang kalihim ng DSWD mula sa CA.
Ayon kay Taguiwalo may buhay ng paglilingkod sa labas ng kagawaran at maaari niya itong ipagpatuloy sa ibang lugar at pamamaraan.
Kasabay nito, nagpasalamat si Taguiwalo sa mga sumuporta sa kanya at sa mga senador na bumoto para sa kanyang kumpirmasyon.
Gayundin, nagpasalamat si Taguiwalo kay Pangulong Rodrigo Duterte na aniya’y tanging Presidente na nagbigay ng pagkakataon sa mga makakaliwang grupo na manungkulan sa pamahalaan.