Pinapurihan ng ilang senador ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine Ambassador to the United Nations (UN) Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr. bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, si Locsin ang isa sa pinakamahusay na itinalaga at napili ng pangulo para sa nasabanggit na posisyon.
Nakatitiyak aniya siyang hindi na mabubully ng ibang bansa ang Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Locsin sa DFA.
Sinabi naman ni Senador Sherwin Gatchalian, angkop ang katangian ni Locsin para sa international relations at diplomatic talks.
Umaasa rin si Gatchalian na sa ilalim ng pamumuno ni Locsin sa DFA ay mas mapa-uunlad at mapapalalim pa nito ang diplomatikong pakikipag-ugnayan ng pilipinas sa mga kaalyadong bansa.
Samantala, tiwala naman si Senador JV Ejercito na magagampanan ng mahusay ni Locsin ang pagiging kinatawan ng mga Filipino sa international community sa tulong na rin ng matagal na nitong karanasan sa serbisyo publiko.