Kinumpirma na nga ng malakaniyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine Army Commander Lt. Gen. Andres Centino bilang bagong hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ilang minuto bago ang nakatakdang Change of Command Ceremony.
Papalitan ni Centino si Chief of Staff Jose Faustino Jr. na nagretiro sa serbisyo matapos ang apat na buwan.
Kabilang sa Philippine Military Academy’s Madrigal Class of 1988 si Centino kasama si Lt. Gen. Dionardo Carlos na itinalaga namang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).
Si Centino ay ika-11 AFP Chief na itinalaga ng pangulo at maaaring may pinaka matagal na paglilingkurang serbisyo na hanggang labing limang buwan.
Tiwala naman ang Palasyo na maipagpapatuloy ni Centino ang mga inisyatibong nagawa ng kaniyang mga sinundang pinuno sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa habang tinitiyak ang seguridad at pagpapaigting ng kakayahan sa depensa. —sa ulat ni Jenny Valencia Burgos (Patrol 29)