May implikasyon o pupuwedeng mawalan na ng saysay ang election protest ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino Kaugnay ng nakalipas na Senatorial Elections.
Ito ay matapos tanggapin ni Tolentino ang appointment sa kaniya ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang Presidential Adviser on Political Affairs.
Pananaw ito ng isang Senador na tumangging magpabanggit ng pangalan dahil miyembro siya ng Senate Electoral Tribunal.
Ayon pa sa nasabing senador sinumang mambabatas na tumatanggap ng cabinet position ay kinakailangang magbitiw bilang Senador tulad ni dating Senador ngayoy’ Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.
Subalit inihayag ni Senador Francis Escudero na walang epekto sa protesta ni Tolentino ang kaniyang appointment at maituturing lamang aniyang inabandona na ni Tolentino ang kaniyang protesta kapag tumakbo ito sa isang elective position.
By: Judith Larino / Cely Bueno
Pagkakatalaga kay Pres. Adviser Tolentino may implekasyon umano sa electoral protest nito was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882