Ikinatuwa ng Department of National Defense (DND) ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Secretary Carlito Galvez Jr., bilang bagong kalihim ng kagawaran.
Ayon kay Arsenio Andolong, tagapagsalita ng DND, tiwala silang magagampanan ng maayos ni Sec. Galvez ang trabaho, dahil sa malawak nitong karanasan bilang isang military commander at public servant.
Bago maitalaga bilang kalihim ng DND, si Sec. Galvez ay nagsilbi munang ika-50 Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines at naglingkod bilang Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinasalamatan naman ni Andolong ang dating officer-in-charge at undersecretary ng DND na si Jose Faustino Jr., dahil sa serbisyo nito.