Welcome kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay NCRPO Chief P/MGen. Debold Sinas bilang bagong Hepe ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay Año, qualified naman si Sinas para sa posisyon at umaasa siyang pananatilihin ito ang masidhing kampaniya ng Pulisya kontra Iligal na droga, krimen, terrorismo at katiwalian.
Umaasa rin ang Kalihim na pananatilihin din ni Sinas ang mataas na pamantayan sa pamamahala at pagganap sa kaniyang tungkulin na maging bastunero ng mga Pulis at hindi ito magbibigay puwang sa mga police scalawag
Sa panig naman ng Pambansang Pulisya, sinabi ni PNP Spokesman P/Col. Ysmael Yu na isasagawa ang Change of Command Ceremony sa Kampo Crame bukas, ganap na ika-10 ng umaga.
Bubuksan na rin ni Sinas ang pintuan para sa Phiippine Military Academy o PMA Hinirang Class of 1987 kung saan siya kabilang matapos ang pagreretiro ni outgoing PNP chief P/Gen. Camilo na huling taga Sinagtala Class of 1986 na manunungkulan as PNP.
Mistah ni Sinas ang 3 miyembro ng PNP Command Group sa pangunguna nila Deputy Chief for Administration P/LGen. Guillermo Eleazar, Deputy Chief for Operations P/LGen. Cesar Hawthorne Binag at Chief of Directorial Staff P/MGen. Joselito Vera Cruz.
Bago nagsilbing NCRPO Chief, nanungkulan din si Sinas bilang Regional Director ng Central Visayas PNP, naging Secretary to the Directorial Staff sa Kampo Crame at naging Director ng PNP Crime Laboratory nuong 2018. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)