Ikinalugod ng Department of Health (DOH) ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang Officer in Charge (OIC) ng kagawaran.
Nagpasalamat ang DOH sa tiwala ni Pangulong Marcos sa career executives ng ahensya at tiwala sa responsibilidad na kanilang ginampanan.
Samantala, tiniyak din ng DOH na patuloy nilang gagampanan ang kanilang trabaho sa paglaban sa pandemya at ang pagsusulong sa Universal Health Care para sa mga Pilipino.
Si Vergeire ay kasalukuyang Undersecretary for Public Health Services Team at Office of the Chief of Staff ng DOH.