Naniniwala ang Malacañang na makatutulong ng malaki sa peace process ng bansa ang pagkakatalaga kay Idun Tvedt bilang bagong special envoy ng Norway sa peace talks ng Pilipinas at NDF-CPP-NPA.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi matatawaran ang kaalaman at karanasan ni idun Pagdating sa usapang pangkapayapaan.
Umaasa anya ang pamahalaan na sa mga darating na araw makakatuwang nila ang Norwegian envoy sa pagresolba ng matagal nang nagaganap na insurhensya sa bansa.
Matagal nang natigil ang peace talks sa pagitan ng government peace panel at National Democratic Front of the Philippines dahil sa mga hindi pagkakaunawaan.