Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakatalaga niya kay Mocha Uson bilang Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office o PCOO.
Sinabi ni Pangulong Duterte na wala silang nakikitang masama sa paghirang kay Uson dahil may utak naman ito at mahusay magsalita.
Hindi aniya balakid ang pagiging sexy dancer ni Uson dahil hindi naman ito nagsasayaw ng hubad.
Ipinabatid ng Pangulo na kasama niya si Mocha noong panahon ng kampanya at ang pagsasayaw nito ay bahagi ng kanyang hanapbuhay.
Wala rin aniyang batas na nagbabawal na bigyan ng posisyon sa gobyerno ang isang mamamayan na nagladlad ng kalahati ng kanyang katawan dahil bawat Pilipino ay dapat bigyan ng pagkakataon sa gobyerno.
By Meann Tanbio |With Report from Aileen Taliping