Isang magandang development ang pagkakatanggal ng NAIA sa listahan ng worst airports sa buong mundo.
Ayon ito kay Senate Committee on Public Service Chair Grace Poe na nagsabi ring dapat pang targetin ng gobyerno ang mas mahusay o mas magandang airport.
Marami pa aniyang dapat ayusin sa NAIA tulad ng mahabang pila sa immigration na naranasan mismo niya, mahinang air-conditioning system, at congested runways.
Binigyang diin ni Poe na hindi lamang dapat magsumikap na mawala sa listahan ng worst airports sa buong mundo kundi dapat ding makasama kundi man sa world’s best airports ay kahit sa Asia’s best airports.