Dinepensahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang desisyon ng Bicameral Conference Committee na tanggalan ng subsidiya ang Philippine Health Insurance Corporation sa panukalang 2025 national budget.
Sa isang ambush interview sa Malacañang, sinabi mismo ni Pangulong Marcos na mayroon itong 500 bilyong pisong reserbang pondo na sapat para sa pagpapatupad ng kanilang serbisyo.
Iginiit pa ni PBBM na ang serbisyo na kailangang pondohan ng philhealth sa loob ng isang taon ay hindi lalagpas sa 100 bilyong piso.
Dagdag pa ng Presidente, ang subsidiya ng pamahalaan sa PhilHealth ay nati-tengga lamang sa bank account nito at hindi magagamit sa dapat nitong paggamitan.
Binigyang diin pa ni PBBM na hindi pondo ang problema ng ahensya kundi ang sistema. – Sa panulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)