Ikinabahala ni Senador Sherwin Gatchalian ang posibleng epekto sa 60,000 estudyante ng pagtapyas sa P1.4-bilyong pondo ng Department of Education (DepEd) para sa senior high school (SHS) voucher program sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito’y matapos ihayag ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla sa pagdinig sa senado na kabuuang P8.2-bilyon mula sa DepEd 2019 at 2020 budget ang na realigned para tugunan ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Gatchalian, ang naturang tapyas sa pondo para sa SHS Program ay posibleng maging dahilan para libu-libong benepisyaryong estudyante nito ang hindi makapag-aral.
Gayunman, sinabi ni Sevilla na patuloy nilang hinahanapan ng paraan para mapondohan ang naturang voucher program sa pamamagitan ng learning continuity plan.