Posibleng madiskuwalipika ang isang partylist group sa nalalapit na halalan sa sandaling mapatunayan na nag-uudyok ang mga ito ng karahasan.
Ito’y ayon sa Commission on Elections (Comelec) kasunod ng panawagan ng ilang mga anti-communist group na idiskuwalipika na ang Makabayan bloc sa susunod na eleksyon.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, dapat may malinaw na batayan na sangkot o may kaugnayan sa mga grupong naghahasik ng karahasan ang isang partylist group bago ito madiskuwalipika.
Una nang iginiit mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na konektado sa cpP-NPA at NDF ang Makabayan bloc sa Kamara dahil sa pagiging legal fronts umano ito ng komunistang grupo.