Nanganganib magkaroon ng malaking dibisyon sa mundo dahil sa COVID-19 pandemic.
Ito ang ibinabala ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres sa paglarga ng 76th general assembly session sa New York, USA.
Ayon kay Guterres, isang “wake up call” sa 193 miyembro ng UN ang pandemya upang mapagtanto na pagkakaisa ang tanging daan palabas ng trahedyang dulot ng COVID-19.
Dahil anya sa pandemya ay lumaganap ang inequality, partikular sa vaccine supply, tumindi ang climate crisis at lumala ang kaguluhan sa Afghanistan, Ethiopia at Yemen. —sa panulat ni Drew Nacino