Tinatayang 700,000 katao ang nag-rally sa Barcelona, Spain bilang protesta sa matinding crackdown ng pulisya sa gitna ng matagumpay umanong independence referendum ng Catalonia.
Sa isang televised speech ni King Felipe XVI, iginiit nito na iligal at labag sa batas ang isinagawang eleksyon para sa pagkalas ng Catalonia sa España.
Nananawagan ng pagkakaisa si Felipe bilang tugon sa paghahangad ng kalayaan ng mga Catalan na lumahok sa eleksyon na may matinding epekto sa bansa.
Sa kabila nito, nanindigan si Catalonian President Carles Puigdemont na anumang araw ay maaaring ideklara ang kalayaan ng Catalonia.
—-