May usap-usapan umano sa Liberal Party na kakalas na sa partido ng Pangulong Rodrigo Duterte na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP Laban.
Ito’y makaraang magbitiw sa pwesto si Vice President Leni Robredo bilang chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
Ayon sa Magnificent Seven Minority Bloc na kinabibilangan ng 5 miyembro ng Liberal Party at 2 Party List Congressman, pinag-uusapan na ang nasabing pagkalas ngunit wala pang pinal na desisyon.
Kinumpirma ito ni Ifugao Representative Teddy Baguilat na nagsabing nasabihan na ang ilan sa kanilang partido na kausapin na ang kapwa miyembrong kabilang sa tinatawag na supermajority coalition.
By: Avee Devierte