Dinepensahan ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr ang pagkalas ng Pilipinas sa Amerika.
Sa kanyang facebook page, sinabi ni Yasay na malinaw ang mensahe ng Pangulong Rodrigo Duterte sa buong mundo na binigo ng Estados Unidos ang Pilipino.
Para, aniya, sa internal at external security threats ang pagkalas ng Pilipinas upang mawakasan na ang pagiging sunud-sunuran ng bansa sa mga interes ng Amerika.
Gayunpaman, tiniyak ni Yasay na sa isinusulong na independent foreign policy ni Pangulong Duterte, maninindigan pa rin ang Pilipinas laban sa China.
By: Avee Devierte