Epektibo na simula sa Linggo, Marso 17 ang opisyal na pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.
Gayunman, wala pa ring desisyon ang Supreme Court o SC kaugnay sa dalawang petisyong kumukwestyon sa hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa mga source mula sa Korte Suprema, hindi kasama sa agenda ng en banc session mamaya ang issue sa ICC.
Kabilang sa mga naghain ng petisyon noong isang taon ang Philippine Coalition for the ICC o PCICC.
Samantala, nangangamba naman si PCICC Lead Counsel Romel Bagares na kung hindi gagawa ng aksyon ang SC sa lalong madaling panahon ay tuluyan nang mawalan ng hurisdiksyon ang ICC na imbestigahan ang war on drugs ng gobyerno.
—-