Naniniwala si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na para sa mga sundalo at pulis ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na iatras ang Pilipinas ang ratification nito sa Rome Statute na lumikha sa inteRnational Criminal Court o ICC.
Ayon kay Cayetano, hindi nais ni Pangulong Duterte na madiin ang mga sundalo’t pulis sa bintang na crimes against humanity lalo’t maaaring itong gamitin sa nagpapatuloy na kampanya ng gobyerno kontra sa mga rebeldeng komunista at Moro.
Dapat din aniyang ikunsidera ng Pangulo ang internal conflict sa bansa tulad ng nangyari sa Marawi City sa kanyang desisyon na kumalas sa ICC.
Gayunman, muling iginiit ng kalihim na maaari pa ring imbestigahan si Pangulong Duterte ng mga ICC prosecutor dahil sa crimes against humanity na ginawa umano ng kanyang administrasyon dahil sa war on drugs.
—-