Walang bisa ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute na siyang nagtaguyod sa International Criminal Court (ICC).
Ito’y ayon kay Senador Antonio Trillanes IV ay dahil sa wala naman itong concurrence o pagsang-ayon mula sa Senado na siyang nagratipika nito.
Giit ni Trillanes, dapat dumaan sa parehong proseso ang naturang hakbang ng Pangulo tulad ng ginagawa nitong pagpasa sa Senado ng kasunduang pinasok ng Pilipinas para isailalim sa ratipikasyon.
Kasunod nito, hinamon din ni Trillanes ang Malakaniyang na patunayan ang kanilang argumento na wala ring bisa ang Rome Statute na niratipikahan ng Senado dahil sa hindi naman ito nailathala sa official gazette ng pamahalaan.