Walang nakikitang masamang epekto si Trade and industry Secretary Ramon Lopez sa imahe ng Pilipinas sa mga foreign investors ang pagkalas ng bansa sa International Criminal Court (ICC) .
Ayon kay Lopez, nakabatay ang pagpapasya ng mga investors na maglagak ng puhunan sa isang bansa sa ilang factors tulad ng matibay na macroeconomic fundamentals, mabilis na paglago ng ekonomiya, investment rating, demographics at malakas na purchasing power.
Gayundin aniya ang ranggo sa listahan ng mga bansang pinakamainam na paglagakan ng puhunan kung saan nanguna ang Pilipinas.
Dagdag ni Lopez, marami rin namang mga foreign investors ang hindi nakakaalam na miyembro ng ICC ang Pilipinas.
Iginiit pa ni Lopez na nananatili pa rin namang miyembro ng United Nations, World Trade Organization, Association of Southeast Asian Nations at iba pang international organization ang bansa.
—-