Pinaalalahanan ni Senador Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi basta-basta ang pagkalas sa International Criminal Court o ICC.
Ayon kay De Lima, dapat konsultahin ng Pangulo at ng kanyang mga foreign policy adviser ang Senado hinggil dito.
Binigyang-diin ni De Lima na bilang presidente na siyang tumatayong chief architect ng bansa sa usapin ng foreign policy, marapat lamang na sundin ang obligasyon nito sa pinasok na international agreements.
Una rito, inihayag ng Pangulong Duterte na pinag-aaralan na niya ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC dahil hindi niya gusto ang ginagawang panghihimasok ng ilang mga grupo sa kanyang kampanya kontra iligal na droga.
By Meann Tanbio