Sa layuning makontrol ang pagkalat pa ng African Swine Fever (ASF), mariing ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Dept. of Agriculture na ipagbawal muna ang pagpasok sa Panay region ng mga truck na nagdadala ng baboy at mga produktong baboy sa loob ng 60 araw.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang direktiba matapos itong makipagpulong sa Private Sector Advisory Council o PSAC, kasama ang ilang opisyal ng DA.
Kasabay nito, pinare-review rin ng Punong Ehekutibo sa ahensya ang ASIN Law o Act for Salt Iodization Nationwide na nagmamandato na dagdagan ang iodine sa asin para matanggal ang micronutrient malnutrition sa bansa.
previous post