Muling nagpaalala ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga pasahero hinggil sa mga kumakalat ng African Swine Flu o ASF virus sa bansa.
Sa abiso, pinayuhan ng PPA ang mga biyahero na iwasan ang pagdadala ng mga ham o anumang uri ng karneng baboy patungong Mindoro.
Dahil alinsunod ito sa Executive Order Number 230 series of 2019 ng Local Government Unit o (LGU) ng Oriental Mindoro kung saan ipnagbabawal muna ang pagbebenta, pagimport at pang-aangkat ng mga produktong baboy upang maiwasan ang paglaganap ng ASF virus.
Magugunitang inanunsyo na ng pamahalaan ng Cebu na ban ang anumang produkto ng baboy. - sa panunulat ni Jenn Patrolla