Mahalagang makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) para maiwasan ang lalo pang pag-mutate ng Sars-CoV-2, ang virus na nagiging dahilan ng naturang sakit.
Ito ang ipinaliwanag ni Philippine Genome Center Executive Director Dr. Cynthia Saloma.
Aniya, nangyayari ang mutation bilang bahagi ng natural na evolution process ng virus.
Ayon kay Saloma, ito ang dahilan kaya mahalagang mapanatiling mababa ang transmission o pagkalat ng COVID-19 para walang maging host ang virus at mapanatili ring mabagal ang mutation nito.
Dagdag ni Saloma, isa sa katangian ng coronavirus ang mabagal na pag-mutate kumpara sa ibang uri ng virus gayunman dahil marami ang gumagawa ng mga research bunsod na rin ng pandemiya, agad na nalalaman kung mayroong bagong variant o mutation ito.