Mas mabilis nang kumalat at humalo sa hangin ang COVID-19 virus dahil sa ibang variant nito, batay sa pinakabagong pag-aaral sa US.
Napag-alaman ng mga researcher sa University of Maryland School of Public Health na nakapag-a-ambag ng 43 hanggang 100 beses na virus sa hangin ang mga pasyenteng may Alpha variant.
Kumpara ito mga taong mayroong orihinal na variant ng naturang virus.
Isa sa mga mabisang paraan ang mas maayos na ventilation at pagsusuot ng mas masikip na face masks bukod pa sa bakuna.—sa panulat ni Drew Nacino