Nagbabala ang Commission on Population (PopCom) hinggil sa posibleng pagkalat ng COVID-19 sa mga barangay.
Ayon kay Juan Antonio Perez III, executive director ng PopCom, ang mga nasa barangay kasi ang bantad sa pagkalat ng virus lalo na kung dikit-dikit o nagsisiksikan ang mga residente sa isang lugar.
Dahil dito, pinababantayan ng PopCom sa mga lokal na pamahalaan ang mga barangay upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Una rito, ibinabala ng PopCom ang paglobo ng populasyon sa bansa sa susunod na taon dahil sa kawalan ng access ng mga tao sa family planning sa panahon ng lockdown.
Batay sa pagtaya ng University of the Philippines Population Institute at United Nations Population Fund, inaasahang aabot sa halos 2-milyong sanggol ang isisilang sa Pilipinas sa susunod na taon.