Posibleng noong Agosto pa ng nakaraang taon nagsimulang kumalat sa Wuhan, China ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang lumabas sa report na inilathala ng Harvard Medical School, batay na rin sa satellite images ng hospital traffic sa Wuhan noong mga panahong iyon.
Sinasabing tumugma rin ang nabanggit na findings sa pagdagsa ng mga tanong sa Chinese search engine na Baidu tungkol sa coronavirus-related symptoms tulad ng “diarrhea” at “cough” o ubo.
Ayon sa mga eksperto, posibleng itinago ng Chinese government ang outbreak kaya hindi ito kaagad nalaman ng iba’t-ibang bansa sa mundo.