Posibleng malapit na sa rurok o maaaring umabot na sa peak ang COVID-19 wave sa National Capital Region dahil sa pagbaba ng weekly growth rate.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido david, bumaba na sa 32% noong Lunes mula sa 57% noong July 4 ang growth rate.
Indikasyon anya ito na bumabagal ang hawahan at may tsansang patungo na sa rurok o naabot na ang peak ng COVID-19 cases sa NCR.
Ipinunto ni David na asahang mas magiging malinaw ang trends sa susunod na linggo.
Naitala naman ang 10% positivity rate noong linggo, Hulyo a – 10.
Samantala, tumaas ang Healthcare Utilization Rate sa rehiyon sa 28% habang 20% ng Covid-19 ICU beds sa Metro Manila ang okupado.