Pina-iimbestigahan na ng NCRPO o National Capital Region Police Office ang isang dokumento na kumalat sa social media kung saan nakasaad ang umano’y planong pambobomba ng Maute group sa Metro Manila.
Ang nasabing dokumento ay galing umano sa Valenzuela Police Station na may petsang June 16, 2017 at nakasaad ang tangkang pag-atake ng teroristang grupo sa ilang mall sa Quezon City, Quaipo at Makati.
Ayon kay NCRPO Director General Oscar Albayalde, kanya nang inatasan si Northern Police District Director Bon Fajardo na imbestigahan ang document handling process ng Valenzuela Police matapos kumalat ang memorandum na hindi pa verified.
Kasunod nito, hinimok ni Albayalde ang publiko na iwasang magpakalat o ipasa sa social media ang mga hindi pa beripikadong dokumento.
By Krista de Dios
Pagkalat ng dokumento sa planong pambobomba umano sa Metro Manila sinisiyasat na ng NCRPO was last modified: June 20th, 2017 by DWIZ 882