Tuloy-tuloy ang pagkalat ng Ebola virus sa Uganda.
Ito’y dahil wala pa ring bakuna o panlaban sa naturang sakit.
Ang strain ng Ebola ay mayroong mortality rate na 41% hanggang 100% na sanhi ng Sudan virus.
Bago ang nasabing outbreak ng Ebola, huling nadiskubre ang Sudan virus sa Uganda noong 2012.
Kahit na nakapaglabas na ang ilang eksperto ng bakuna laban sa Ebola, hindi ito tumatalab sa Sudan virus na mas malakas ang epekto sa katawan ng isang tao.
Samantala, isinailalim na sa lockdown ang ilang lugar sa bansa upang mapabagal ang pagkalat ng nasabing virus.