Pinag-iingat ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG ang publiko hinggil sa pagkalat ng mga expired na frozen meat sa pamilihan dalawang linggo bago ang Pasko.
Ito’y makaraang ibunyag ng sinag ang labing isa mula sa 203 container van na naglalaman ng mga frozen meat ang naipuslit matapos kumpiskahin ng Bureau of Customs.
Ayon kay Rosendo So, Chairman ng sinag, sinasabing nasabat ang mga naturang kontrabando sa Manila International Container port mula Enero hanggang Setyembre dahil sa kawalan ng import permit mula sa Department of Agriculture at Bureau of Animal Industry.
Binigyang diin ni So, naka-a-alarma aniya ito lalo’t posibleng mahalo sa mga sariwang karne na ibinebenta sa mga pamilihan ang mga expired na frozen meat na malaki ang tsansang maka-apekto sa kalusugan.
By: Jaymark Dagala