Hinimok ng United Nations-World Health Organization ang iba’t ibang bansa, siyentista at pharmaceutical company na lumikha ng mga bagong gamot laban sa labindalawang (12) “antibiotic-resistant supergerms.”
Ito ang apela ng WHO sa pangambang kumalat ang mga “sakit na walang lunas” na maaaring maging mitsa ng pagka-ubos ng malaking populasyon ng tao, kung hindi aagapan.
Ayon sa WHO, ngayon pa lamang ay dapat ng pagtuunan ng pansin ng lahat ang paglikha ng mga bagong drug lalo’t habang tumatagal ay dumarami ang mga bacteria na hindi na tinatalaban ng antibiotics.
Sa kauna-unahang pagkakataon, isinapubliko ng WHO ang listahan ng mga bacteria na nagbabadyang maging “incurable disease.”
Kabilang sa mga germs na nagbabadyang maging “incurable” ay ang mga bacteria na nagdudulot ng sakit sa baga, dugo, utak, urinary tract infections, food poisoning mula sa salmonella at sexually-transmitted gonorrhea.
By Drew Nacino