Itinuturing na mabagal ang pagkalat ng monkeypox virus sa bansa matapos matukoy ang ikalawa at ikatlong kaso ng sakit ilang linggo makalipas mapaulat ang unang kaso.
Iginiit ng Infectious Disease expert na si Dr. Edsel Salvaña na ang monkeypox ay hindi gaanong nakahahawa kumpara sa COVID-19 at ang mga sintomas ay lumalabas dalawa hanggang tatlong linggo matapos ma-infect ang isang indibidwal.
Ayon kay Salvaña, batid naman na kumakalat ang virus pero inaasahan nilang mabagal ang pagka-detect sa mga ito at mayroon ding ilang indikasyon na asymptomatic ang pagkalat nito.
Kailangan anyang paigtingin pa ang mga protocol at pag-detect sa mga kaso ng monkeypox at mas maging alerto ang publiko.
Naniniwala din ang medical expert na ang pagsunod ng mga pilipino sa Health protocols Kontra COVID-19 ang maaaring dahilan ng mabagal na pagkalat ng monkeypox.