Ibinabala ng World Health Organization (WHO) na bumilis pa ang pagkalat ng panibagong COVID-19 variant na Omicron.
Ito’y sa gitna ng patuloy na paglawak ng presensya ng Omicron sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon kay WHO Chief Tedros Ghebreyesus, simula nang madiskubre ang panibagong variant ay naitala na sa 77 bansa ang Omicron.
Gayunman, maaaring may presensya na anya ng Omicron sa maraming bansa kahit hindi pa nila ito nadedetect.
Idinagdag ni Ghebreyesus na hindi dapat maliitin ang Omicron kahit mild lamang ang epekto nito.
Samantala, nangangamba naman ang WHO sa panibagong vaccine hoarding dahil sa pagkalat ng naturang variant ng COVID-19.