Ibinabala ni Infectious Disease Expert at DOH Technical Advisory Group Member, Dr. Edsel Salvaña ang posibleng pagkalat ng Omicron COVID-19 variant sa mga lalawigang may mababang vaccination rates.
Ipinaliwanag ni Salvaña na kung sa South Africa, na unang nakapagtala ng Omicron, mabilis itong kumalat na inabot lamang ng apat na linggo pero bumagal dahil karamihan ay mga bakunado na.
Gayunman, ibang usapan anya sa Pilipinas dahil marami pa ring hindi nababakunahan kontra COVID-19 lalo sa mga probinsya.
Samantala, tiniyak naman ni Salvaña na kakayanin ng healthcare system ng bansa, lalo sa Metro Manila ang sitwasyon kahit lumobo pa ang Omicron cases.
Bahagi ng pahayag ni Infectious Disease Expert, Dr. Edsel Salvaña.