Halos dalawang linggo nang apektado ng sore eyes ang mahigit 100 preso sa Ilocos Norte provincial jail.
Ayon kay Prison Officer 2 Benilda Sadian, humihingi na sila ng gamot sa Provincial Health Office dahil mabilis magkahawahan ng sore eyes ang mga bilanggo.
Sinabi ni Sadian na sumulat na rin sila kay Governor Imee Marcos para sa kaukulang ayuda sa kanilang mga presong may sore eyes.
Eye drops shortage
Samantala, nagkakaubusan na umano ng eye drops o pamatak sa mata sa Legazpi City sa Albay.
Ito ayon sa health office ng lungsod ay kasunod na rin nang dumaraming kaso ng mga may sore eyes dahil anila sa mainit na panahon.
Samantala, binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagbili ng eye drops sa mga bangketa.
Sinabi ng DOH na mas mabuting sa drug stores bumili ng eye drops para makaiwas sa peke.
By Judith Larino